Saturday, October 30, 2010
Tuesday, October 26, 2010
naki-uso lang
Nagsimula ang lahat nung last Saturday, bandang hapon yata ng makaramdam ako ng kakaibang pakiramdam. Tapos kasi hapon pa ko naligo kaya na-trigger yata. NUng night time na, ayan na, nilalamig na ko. Tapos, nag check ako ng body temp at ayun, may lagnat nga ako. In denial pa ko nung una e baka kasi malameg lang talaga ang panahon pero lumala talaga sya.
Sunday morning, ganun pa rin, hindi ako naka pag church dahil dun. Pero uminom nmn ako ng gamot, BIOGesic, tapos ASCOF, mejo ni pag pawisan ako so kala ko okay na..
Nagkaron kame bisita sa bahay, ung kapatid ko na nakatira sa may Tambubong, kasama ung isang Kano. Hala! Ginising tlaga ako at nisabihan na " o ikaw kumausap dun ha, kaw magaling sa English e".. I replied,... "Nye? HIndi ko nga kilala yan e tsaka may sakit ako".. hahaha Pero syempre nangyari pa din ang gusto ng kapatid ko, ako nga ang nakausap ni "SHAWN". Ang dami nya kwento about sa family nia, sa tatto nia at sa work nia.
Nakakatuwa din nmn family ko, kasi kahit di prepared, aba e napaEnglish. Si Papa ko nga, with matching action pa, si mama di masyado nag speak, si bro ko nmn~hahahah okay nmn survival level ang english.
So anyway, hindi pa rin natatanggal ang sama ng aking pakiramdam.
Dumaan ang MOnday, ubo at sipon...
Tuesday na.. upo at sipon pa rin...
Wednesday? ~ Bukas... parang ganun pa rin...
Hay nako.. naki-uso pala ko ng hindi ko nalalaman..
Kung ganito ang trend, hindi nmn ako makikigaya. NEVER!
Dahil mahirap lalo na may work pa..
Anyway. I hope to become really well soon..
Yun lang..
Anyong!
Friday, October 15, 2010
KOREANO
Sila ang mga natatanging bata na kinaaaliwan kong turuan.
Una, si PRINCE.. sobrang tahimik sa class.
Yes or No, kaya nya sagutin.
Ask ko ng questions starting WHY? ala na.. taob na..
But I can tell na willing sya matuto.
Yun nga lang, patience is a virtue.
Next is Mark, matalino tong bata na to.
Active sa class. He can explain his answer.
Hirap lang sya mag construct ng sentence pero okay to kausap.
However, my mood swing ata to. Minsan super explain, minsan quiet lang.
Pero, natutuwa ako jan, lage yan nagpapacute sa cam. hehehe
lage nag me make face.. gaya nalang ng pic nia dito. ehehhe
Guys, I want you to meet Jhon. Mabait tong bata na to. Marunong makaintindi ng basic questions. Hirap nga lang sya sumagot at magconstruct ng basic sentence. Madali nmn ma correct, pero next class, hindi na nmn alam.. My memory gap ata to.
Si Jhon, whenever he cant say it or explain it in words, ay asahan mo, gagamit na yan ng action to demonstrate what he really wanted to say which is sobrang aliw na aliw ako.. Kaya lage ko nitatanong ng WHY question.. hahahaha bad bad..
Sa pagtuturo ng Korean nationals especially, kids, hindi maiwasan na talagang maubusan ng pasensya. Like me, nagagalit din ako sa class. Mahirap nmn maging stiff na parang ala kang emosyon diba.
I think, one must really have the passion to teach to become successful in imparting knowledge. :D
Wednesday, October 13, 2010
art class part 2
Kids will always be kids.
Mahilig magsusulat ng kung ano ano at lalong mahilig mag drawing..
They explore things. Kaya nmn why not use their curiosity in class?
hahahaha
Eto ako ulet, isang ART class na nmn ang ngyari.
Kahit paulet ulet ko tong tignan, natutuwa ako at natatawa.
Galing galing magdrawing ng mga alaga ko..
Clap Clap Clap!
Saturday, October 9, 2010
Due to popular demand...
gumawa ako ng account sa TUMBLR.
pano kasi tong mga kasama ko sa work, i follow ko daw sya,, kaya ayun.
Tong blogspot account nga di ko ma manage masyado, tas un pa na another blog account?
Anyway, feel free to check it out.. almost same post nmn un..
What I put in here, can be seen in my TUMBLR account too... ehehehe
http://www.iamarcus.tumblr.com
Nagpapanggap
Hindi talaga ako blogger at lalong hindi writer.
Sa Aming simbahan, UMC, meron kaming journal na ni pa publish every other month.
Dun, writer ako pero kadalasan yung write up ko, hindi maganda kaya naman super edited ni Chief. hahaha nakakahiya.
One time, sa isang issue, yung write up ko, ni soli saken via email.
Lahat ng errors in red letters. Ayun, ang bloody ng dating ng email dahil sa red marks.
Challenging ang pagsusulatm especially kung hilig mo tlaga.
I find it cool na rin kasi ako expressive ako, mali pala mejo talker ako.
Madami akong ideas sa isip ko. Kadalasan hindi ko nmn to ni sasabi sa iba.
Tanging ang notebuk at pilot pen ko ang lage ko kausap.
Pero hindi tlaga ko writer or blogger.
Masaya lang pakiramdam ko pag meron akong post.
Natutuwa din ako pag may nabisita sa site ko.
Though i know, ala wenta tong mga ni po post ko dito pero iba pa rin feeling kapag may nag stop over dito.
----------------
Salamat sa nag comment! :D
-- MOTS name nia dito..
----------------
Sa Aming simbahan, UMC, meron kaming journal na ni pa publish every other month.
Dun, writer ako pero kadalasan yung write up ko, hindi maganda kaya naman super edited ni Chief. hahaha nakakahiya.
One time, sa isang issue, yung write up ko, ni soli saken via email.
Lahat ng errors in red letters. Ayun, ang bloody ng dating ng email dahil sa red marks.
Challenging ang pagsusulatm especially kung hilig mo tlaga.
I find it cool na rin kasi ako expressive ako, mali pala mejo talker ako.
Madami akong ideas sa isip ko. Kadalasan hindi ko nmn to ni sasabi sa iba.
Tanging ang notebuk at pilot pen ko ang lage ko kausap.
Pero hindi tlaga ko writer or blogger.
Masaya lang pakiramdam ko pag meron akong post.
Natutuwa din ako pag may nabisita sa site ko.
Though i know, ala wenta tong mga ni po post ko dito pero iba pa rin feeling kapag may nag stop over dito.
----------------
Salamat sa nag comment! :D
-- MOTS name nia dito..
----------------
Subscribe to:
Posts (Atom)