Tuesday, October 26, 2010
naki-uso lang
Nagsimula ang lahat nung last Saturday, bandang hapon yata ng makaramdam ako ng kakaibang pakiramdam. Tapos kasi hapon pa ko naligo kaya na-trigger yata. NUng night time na, ayan na, nilalamig na ko. Tapos, nag check ako ng body temp at ayun, may lagnat nga ako. In denial pa ko nung una e baka kasi malameg lang talaga ang panahon pero lumala talaga sya.
Sunday morning, ganun pa rin, hindi ako naka pag church dahil dun. Pero uminom nmn ako ng gamot, BIOGesic, tapos ASCOF, mejo ni pag pawisan ako so kala ko okay na..
Nagkaron kame bisita sa bahay, ung kapatid ko na nakatira sa may Tambubong, kasama ung isang Kano. Hala! Ginising tlaga ako at nisabihan na " o ikaw kumausap dun ha, kaw magaling sa English e".. I replied,... "Nye? HIndi ko nga kilala yan e tsaka may sakit ako".. hahaha Pero syempre nangyari pa din ang gusto ng kapatid ko, ako nga ang nakausap ni "SHAWN". Ang dami nya kwento about sa family nia, sa tatto nia at sa work nia.
Nakakatuwa din nmn family ko, kasi kahit di prepared, aba e napaEnglish. Si Papa ko nga, with matching action pa, si mama di masyado nag speak, si bro ko nmn~hahahah okay nmn survival level ang english.
So anyway, hindi pa rin natatanggal ang sama ng aking pakiramdam.
Dumaan ang MOnday, ubo at sipon...
Tuesday na.. upo at sipon pa rin...
Wednesday? ~ Bukas... parang ganun pa rin...
Hay nako.. naki-uso pala ko ng hindi ko nalalaman..
Kung ganito ang trend, hindi nmn ako makikigaya. NEVER!
Dahil mahirap lalo na may work pa..
Anyway. I hope to become really well soon..
Yun lang..
Anyong!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
galing na ko dyan last week :) hirap. get well soon
ReplyDelete