Wednesday, June 23, 2010

Sa aking pagbyahe



Araw-araw, bumibyahe ako papasok sa trabaho at pauwi ng bahay. Umaalis ako ng bahay namin ng tanghali, kadalasan 11:00am. Sumasakay ako ng bus, mula sa Bulacan, kung saan ako ay nakatira papuntang Cubao. Umaabot ng isang oras at kalahati kalimitan ang byahe ko. At habang nasa bus ako, it's either I listen to music or natutulog na lang ako kapag nasa NLEX na. Sa pagbyahe ko, ang dami kong nakikita sa paligid. Kadalasan, mga tao na nagtitinda, or yung mga taong nag titinda ng chicharon, kendi, bottled water, mani at kung anu-anu pang pamatid gutom. Minsan kasi kapag inabutan ka ng uhaw or gutom sa byahe, sila yung mga taong makakapagsagip sayo sa nararamdaman mo ng sa ganun eh maging okay ang byahe.
Marami rin akong na o obserbahan sa paligid. Sari-sari ang mga pangyayaring aking nakikita.
Minsan nga, mga mag jowa na naglalakad sa gilid ng kalsada. Meron din isang matanda na namamalimos. Nung isang araw naman, may isang bulag na lumalapit sa mga sasakyan kapag red ang stop light at nanghihingi ng limos. Marami pa rin ang nagtitinda ng sampaguita lalo dito sa may bandang Katipunan. Sa may Aurora blvd naman, hindi mauubasan ng tao ang makikita mong naglalakad. Minsan nga mi nakasakay ako, dalawang matandang babae, nagpababa sa Bus terminal goin to Batangas. Meron din isang matandang lalake dala ung isang tandang na manok na panabong. Ang kulit nga tignan kasi talagang sa loob ng Bus - aircon to ha, tumitilaok ung manok. hehehe.
Ganyan ang karaniwang senaryo sa pagbyahe ko sa umaga.
Pagdating ko ng Farmers-Cubao, maglalakad na ko going to Puregold, andun kasi makikita ung mga jeepney going to CitiBank,Eastwood. So sa paglalakad ko, sa Farmers plaza, dami rin tao. "On Sale" nga lage dun. Parang Divisoria type, dami paninda at dami ka rin mabibili.
After Farmers Plaza, Gateway naman, doon mejo sosyal ang mga tao na makikita mo. Kadalasan, mga students from different schools and universities ang nakakasalubong ko.d Ung iba, naka tie pa, pormal ang dating. Meron nga mi hitsura, merong mga cute, magaganda, gwapo at meron din mga panget syempre.
Mainit maglakad sa tanghali, kaya naman may dala akong lage na payong, umulan at umaraw, at least protected ako.
11:00pm ang out ko sa work. So kung tutuusin, mejo late na. From Eatwood to Cubao, minsan eh around 12 o clock na ko nakakarating, pero madami pa rin tao sa ganun time.
Pagpauwi naman ako, nakakasabay ko sa paglalakad ung mga taong nagtatrabaho jan sa Shopwise-Cubao madalas or di kaya mga crew sa fastfood resto.
Lam mo ba, kapag sa bandang Gateway, makikita mo na madaming lalake ang nakaupo dun. Mga mi hitsura kung tutuusin, maayos ang mga damit, mapoporma pa nga. Karamihan pala don ay mga 'callboy'. Ou, nung una, nagulat ako nung nalaman ko from a friend na kasabay ko pauwi. Perom halata nmn kasi sa kanila eh. Basta,every night, madami dun. Kapag nakipagtitigan ka, ay naku! Patay ka na! Kasi for sure lalapitan ka. Kaya nga kame ng mga friends ko pag nalalakad eh straight forward ang tingin kasi kontin mali lang, malamang ma ta type'an ka nila. hahaha
Meron nga dun minsan, isang lalake inabutan ng cash ng isang mama na nakakotse. Sosyal no! Bayad siguro yun sa service. ^^
Nung one time na nagStarbucks nman kame, dami din dun. Usually, mga bisexuals or bicurious or whatever ang mga nakatambay don. Or maybe, mga taong mapoporma lang tlaga. Pero with all fairness, may mga looks naman. parang mayayaman nga eh..
Kapag pauwi, dun ako nahihirap sumakay ng bus, kadalas kasi wala ng byahe straight to Bulacan. Kelangan lang ma tiempuhan yung last trip. at kapag wala na talaga, I go to the alternate way, kung saan, it will take me 2 hours before I can finally reach my house. It takes 5 rides all in all. Grabe no. Pero adventure, kasi nga I can see many things around.
When I go the other way, sa Monumento ako sumasakay ng jeep going to Bocaue exit. NLEX kasi daan ng jeep kaya meyo mabilis ang matagal eh ung mapuno ung jeep. Tapos ung mga nakakasabay ko dun halos kakilala ko na sa mukha. Panu ba nmn kasi, madalas kame kame ang magkakasabay sa byahe. Kung makapal mukha ko e tinanong ko na mga names nila. ^^
Sa pagbyahe, kelangan lang talga maging sensitive ka at aware sa mga pwedeng mangyari. Iba na kasi ngayon eh. It is no longer safe to travel late alone. Kaya doble ingat tlaga. Lalo na ko, I had a very bad experience already.
Ibang adventure talaga ang nagbibyahe. Nakakapagod, literally pero Im used to it. Sabi nga ng mga co-workers ko, award daw ako kasi ang layo nga ng house ko at tagal ng byahe ko. Sabi ko nmn, sanayan lang yan. Ou, im really tired of it. Pero iba pa rin kasi kapag sa sariling bahay ka uuwi after a very long time at work.
I had tried to live alone for 2 years already and I can say that I already knew how to live my life by myself. It was really hard, sometimes boring, good, exciting and wild. hahaha
Ang sarap talaga makipagkwentuhan lalo na sa mga taong maraming karanasan sa buhay. Ako? madami pa kong kwento. Sa susunod na lang, sasabihin ko ung ibang highlights ng buhay ko. :))

Chillax everyone!

No comments:

Post a Comment